SA RIZAL PARK
nagtungo kanina sa Luneta
upang maging saksi, nakiisa
sa paggunita o pag-alala
kay Rizal, bayani't nobelista
doon binitay sa Bagumbayan
na Rizal Park na ngayon ang ngalan;
may dumating ding talaga namang
isinagawa'y palatuntunan
sa diwa tumagos ang mensahe
ng nagwika tungkol sa bayani;
naglitratuhan, pa-selfie-selfie
bilang patunay, ako'y narine
talagang inagahan ang gising
nang sa diwa historya'y tumining
nang magbangon sa pagkagupiling
ang mga anak na nahihimbing
- gregoriovbituinjr.
12.30.2022 (sa ika-126 anibersaryo ng pagbitay kay Gat Jose Rizal)
Friday, December 30, 2022
Subscribe to:
Comments (Atom)
Maging bayani ka sa panahong ito
MAGING BAYANI KA SA PANAHONG ITO maging bayani ka / sa panahong ito laban sa korapsyon / ng mga dorobo bahâ sa probinsya't / lungsod n...
-
SA INANG BAYAN (A LA PATRIA) tula ni Gat Emilio Jacinto nakasulat ng orihinal sa Espanyol na nasa aklat na Rebolusyon(g 1896) ni Virgilio ...
-
DATU AMAI PAKPAK (Lanao, d. 1895) The Chief of Marahui (Marawi), Datu Amai Pakpak was also known as Datu Akadir who bravely resisted the Spa...
-
MATEO CARIÑO (Cordillera, c. 1898) The Ibaloi Chieftain of Benguet who led a successful revolt against the Spanish garrison in La trinidad i...





