SA RIZAL PARK
nagtungo kanina sa Luneta
upang maging saksi, nakiisa
sa paggunita o pag-alala
kay Rizal, bayani't nobelista
doon binitay sa Bagumbayan
na Rizal Park na ngayon ang ngalan;
may dumating ding talaga namang
isinagawa'y palatuntunan
sa diwa tumagos ang mensahe
ng nagwika tungkol sa bayani;
naglitratuhan, pa-selfie-selfie
bilang patunay, ako'y narine
talagang inagahan ang gising
nang sa diwa historya'y tumining
nang magbangon sa pagkagupiling
ang mga anak na nahihimbing
- gregoriovbituinjr.
12.30.2022 (sa ika-126 anibersaryo ng pagbitay kay Gat Jose Rizal)
Friday, December 30, 2022
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Lovely Inan, naka-2 ginto sa World Weightlifting
LOVELY INAN, NAKA-2 GINTO SA WORLD WEIGHTLIFTING tulad ni Caloy Yulo , nakadalawang ginto rin si Lovely Inan sa sinalihan niyang weightli...
-
DATU AMAI PAKPAK (Lanao, d. 1895) The Chief of Marahui (Marawi), Datu Amai Pakpak was also known as Datu Akadir who bravely resisted the Spa...
-
FELICISIMO AMPON, PINOY TENNIS CHAMP magaling na tennis player mula sa Pilipinas si Felicisimo Ampon, dakilang manlalaro medyo kaliitan man ...
-
AMAN DANGAT (Batanes, c. 1791) The Chief of Malacdang, Batanes, who led an uprising of the Ivatans in 1791. Armed only with native weapons, ...
No comments:
Post a Comment